-- Advertisements --

Hindi itinanggi ng Department of Education (DepEd) na dumaranas ang bansa ng problema sa karunungan.

Kasunod ito sa naging ulat ng World Bank (WB) na 90 porsyento ng mga bata na may edad 10 ang hindi marunong magbasa.

Lumala pa ang nasabing problema ng magkaroon ng COVID-19 pandemic ng ipatupad ang distance learning.

Ayon sa DepEd na matagal ng problema ang problema sa pag-aaral sa bansa at ito ay kanilang tinutugunan.

Ilan sa mga programang inilunsad ng DepEd ay ang Bawat Bata Bumabasa (3Bs) sa buong bansa na ang layon ay para mapataas ang kahusayan ng mga mag-aaral, Mother Tongue-Base of Multilingual Education, Literarcy and Numeracy Program (ELLN) at ang Pedagogical Retooling in Mathtematics, Languages and Sciences (PRIMALS).

Umaasa ang DepEd na pagdating ng 2030 ay mas darami pa ang mga kabataan na may mataas na antas ng karunungan.