Kinumpirma ng Department of Health (DoH) ang pagkakatalaga ni dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng ahensiya.
Pinalitan ni Cascolan ang posisyon na nabakante ni Roger Tong-an bilang undersecretary.
Sinabi rin ng DoH na magpo-provide ang mga ito ng detalye sa mga appointments kapag available na ito.
Bago ang pagkakatalaga sa DoH, na-appoint na rin si Cascolan bilang undersecretary ng Office of the President noong February 2021.
Nagsilbi rin itong PNP chief mula September hanggang November 2020.
Humawak din ang heneral ng maraming posisyon sa PNP kabilang na ang Director ng PNP Civil Security Group at chief ng Directorial Staff ng Philippine National Police.
Si Atty. Charade Mercado-Grande ay itinalaga ring assistant secretary.
Kasama rin sa mga itinalaga sina Maria Lourdes Santiago bilang Director IV, Girlie Enriquez Veloso, Maria Joyce Dicusin at Sophia Macaranas Mancao bilang mga Director III.