Iginiit ni suspended Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na “spliced” o pinagdugtong-dugtong umano ang CCTV footage na inilabas sa publiko kaugnay ng insidente ng pamamaril sa loob ng Senado noong Mayo 13, 2026.
Ayon kay Aplasca ang inilabas na video ay pinili ang bahagi upang suportahan ang aniya’y isang naratibo ng mga awtoridad.
Binigyang-diin din niya na hindi umano totoo ang mga pahayag na walang naganap na pag-atake sa Senado.
Samantala, sinabi rin ni Aplasca na inaasahan na niya ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng pagahahain ng Philippine National Police (PNP) ng kaso laban kay Aplasca at dalawa pang security personnel ng Senado kaugnay ng nangyaring pamamaril sa loob ng Senado.
Ayon sa PNP, maaaring maharap sa paglabag sa Rules of Engagement at sa mga probisyon ng Republic Act No. 11917 o Private Security Services Industry Act ang mga sangkot.
Kinumpirma rin ni Aplasca na nakatanggap na sila ng subpoena mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group. Gayunpaman, pinabulaanan niya ang alegasyong may itinago silang ebidensya tulad ng CCTV footage at mga baril. (Report by Bombo Jai)















