-- Advertisements --
Dinomina ni Nikola Jokic gamit ang 27 points, 12 rebounds at 10 assists ang laro para sa Denver Nuggets para ilampaso ang Brooklyn Nets, 124-104.
Ito na ang ikawalong sunod na talo ng Nets.
Sinamantala ng Nuggets ang kakulangan pa rin ng Nets tulad na lamang ng guard na si James Harden na nasa second straight game na nagpapagaling pa rin sa left hamstring tightness.
Ang reigning MVP na si Jokic ay hindi nagpaawat sa kanyang ika-14 na NBA-best triple-doubles ngayong season.
Nasayang din naman ang diskarte ni Kyrie Irving na nagtapos sa 27 points at 11 assists.