Umeksena ang baguhang Denver Nuggets player na si Austin Rivers upang sapawan ang ka-teammate na si Nickola Jokic sa kanilang ikalawang panalo laban sa Portland Trail Blazers sa first round ng NBA playoffs, 120-115.

Bagamat muling dinomina ni Jokic ang laro na nagpakita ng 36 points at 11 rebounds, hindi naman nagpahuli si Rivers lalo na sa fourth quarter nang magbuhos ng apat na 3-pointers sa huling sandali.
Nagtapos ito sa 21 points para tulungan ang third-seeded na Nuggets sa 20 three pointers.
Minalas naman ang Blazers sa 3-point shooting lalo na ang inalat na tira mula sa kanilang mga bench players.
Nanguna naman sa bigong kampanya ng Blazers si Damian Lillard na may kabuuang 37 points.
Ang Game 4 ay gagawin sa Linggo doon pa rin sa Moda Center.

Ang naging laro kanina sa homecourt ng Blazers ay sinabayan ng pinakamaraming home crowd ngayong season.
















