-- Advertisements --

Hindi nagpakita si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court nitong Biyernes, Setyembre 4, matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.

Inilabas ng QC RTC Branch 98 ang warrant matapos makitaan ng probable cause para litisin ang Bise Presidente sa naturang kaso.

Naghanda ang mga awtoridad sa posibleng pagdating ng Bise Presidente sa korte at naglagay rin umano ng mugshots backdrop sa loob ng korte, sakaling dumating si Duterte para sa kanyang pag-aresto.

Gayunman, hindi boluntaryong nagtungo si Duterte sa korte hanggang alas-6 ng gabi.

Sa pahayag naman ng kanyang abogado na si Paul Lawrence Lim, wala umanong intensyon ang Bise Presidente na umiwas sa batas at gagamitin niya ang lahat ng legal na remedyo na nakalaan sa kanya.

Matatandaan na nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024, kung saan sinabi niyang nag-utos siya sa isang tao na patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marco, at former House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.

Samantala, maaari pang gamitin ng kampo ng Bise Presidente ang mga legal na remedyop kaugnay ng kaso.