Hinimok ng pamilya ng drug war victims ang Senado na huwag harangin ang arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa isang statement, sinabi ni Rise Up for Life and for Rights Rubylin Litao na dapat respetuhin ng Senado ang international obligations ng gobyerno ng Pilipinas at hayaang arestuhin at sumuko ang Senador sa ICC.
Ayon sa grupo, na nagsusulong ng hustisiya para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs), dapat na huwag protektahan si Dela Rosa, na co-perpetrator sa crimes against humanity.
Sinabi ng isang ina ng drug war victims na gaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, deserve ni Bato na maikulong at mapanagot. Malaki aniya ang naging papel niya sa pagsasakatuparan ng madugong war on drugs ng dating Pangulo.
Matagal na rin aniya nilang inaantay na magkasama sina Duterte at Bato sa kulungan ng ICC.
Inaasahan din ng grupo na mas marami pang indibidwal ang maaresto at makukulong.
















