-- Advertisements --
ILOILO CITY – Itinuturing ng Department of Environment and Natural Resources na’urgent’ ang pangangailangan ng Iloilo City na magrenta ng refrigerated vans upang lagyan ng mga bangkay ng mga namatay sa COVID-19 sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Noel Hechanova, pinuno ng City Environment and Natural Resources Office, sinabi nito na malaki ang epekto ng dalawang linggong pagsuspendi sa operasyon ng nag-iisang Crematorium sa buong Panay.
Ayon kay Hechanova, nahihirapan ang lungsod sa paghahanap ng mga refrigerated vans dahil karamihan sa mga ito ay nilalagyan ng pagkain.
Sa kabila nito, sinisikap ng lungsod na makapaghanap ng tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang local government unit.