-- Advertisements --
Kumalat pa sa limang probinisya sa China ang COVID-19 outbreak na unang nadiskubre sa Nanjing.
Umabot na rin sa mahigit 200 katao ang dinapuan ng virus na unang nakita noong Hulyo 20 sa Nanjing airport.
Ilan sa mga probinsiya kung saan kumalat ang Delta variant ay sa Beijing, Chengdu at 13 iba pa.
Inaalam pa ng mga otoridad kung ang mga naapektuhan ay nabakunahan na.
Dahil sa pangyayari ay naghigpit na ang China sa mga nagtutungo sa ibang lugar kung saan nararapat na sila ay sumailaim sa COVID-19 testing at isolation.