Naniniwala ang OCTA Research na posibleng mayroon ng Delta variant community transmission sa Metro Manila, matapos may naitalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa pamamagitan ng genome sequencing.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA Research na mayroong 300 new cases ng Delta variant na naitatala sa NCR per day batay sa percentage ng kabuuang cases na naitala sa bansa, dahilan para masabi na talagang merong community transmission.
Nilinaw naman ni David na ang kanilang data ay batay sa statistics at sampling.
Gayunpaman, sinabi ni David ang Department of Health (DOH) pa rin ang dapat mag confirm kung mayruon na talagang community transmission ng Delta variant.
Dagdag pa ni David, tumaas na sa 25 percent ang Delta variant cases kumpara noon na nasa 15 percent lamang.
Sa ngayon mayroon ng kabuuang 216 Delta variant cases ang naitala sa bansa out of 9,725 samples na isinailalim sa genome sequencing.
Sa nasabing bilang 16 dito ang active, walo ang namatay at ang 192 ay nakarekober sa sakit.
Nasa 97 na dagdag na Delta variant cases ang nakumpirma, 25 dito ay sa Metro Manila.
Sa 97 na bagong cases tatlo dito ang nasawi habang 94 ang nakarekober.
Inihayag ni David na ang banta ng Delta variant ang siyang huling sagabal na kakaharapin ng bansa ngayong taon, at kung malusutan ito at madami na ang nabakunahan sa Metro Manila, posibleng maging masaya ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Dagdag pa ni David posibleng ma-extend ng 3 weeks ang ECQ kung patuloy na tumataas ang COVID-19 cases.