-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang deferment o pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th month pay ay maaaring mapagkasunduan sa pagitan ng employers at ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng dialogue.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, depende na ito sa magiging pag-uusap ng management at mga empleyado kung papayag silang ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay.

Ayon kay Sec. Bello, basta malinaw batay sa Presidential Decree 851 na kailangang ibigay ng mga employers ang 13th month pay bago o sa mismong Disyembre 25 kada taon.

Nakasaad din sa PD 851 na ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwang sahod ng manggagawa, ibig sabihin ay walang dapat kaltas o bawas.