Handang-handa na ang impeachment defense team ni US President Donald Trump.

Ito ay dahil sa nalalapit ng matapos ang isinasagawang pagpresinta ng mga Democratic house managers ng kanilang mga ebidensiya.

Sinabi ni Eric Ueland ang legislative director ng White House, magiging fully engaged at nakahanda na ang kanilang mga abogado.

Binubuo nina Ken Starr, nakilala bilang independent counsel sa impeachment noon ni Bill Clinton at Alan Dershowitz .

Ayon naman kay Jay Sekulow, isa sa abogado ni Trump na gagamitin nila ng tama ang kanilang oras hindi lamang depensahan ang kanilang kaso at sa halip ay ipamukha sa mga naghain ng impeachment ang kanilang kamalian.