-- Advertisements --

Wala pa ring kasagutang natatanggap mula si China si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.

Kasunod ito sa usapin ng pagkakaaresto ng ilang daang Filipino sa China dahil sa iligal umano na pagtatrabaho doon.

Sinabi ng Teodoro na naging mailap ang Chinese Foreign Ministry ukol sa nasabing usapin.

Giit nito na ang mga naarestong Chinese National sa Pilipinas ay sangkot sa iligal na aktibidad.

Tinutukoy ng Kalihim ang pagkakaaresto ng 69 na Chinese nationals sa isang pagawaan ng bakal sa Misamis Oriental noong Mayo.

Nakakuha ang mga otoridad ng sapat na ebidensiya na gumagawa ng mga substandard na mga produkto ang mga ito kung saan ang radioactive materials mula sa produkto ay lumalason sa kapaligiran.