-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na Milwauke Bucks para umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na ilampaso ang Chicago Bulls sa score na 119-95.

Dinomina ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ang laro nang kumamada ng 32 points, 17 rebounds at seven assists upang iposte ang 3-1 lead laban sa Bulls sa nagpapatuloy na first round series sa Eastern Conference.

Malaking tulong din ang ginawa sa Bucks ni Grayson Allen na nagbuhos ng 27 points, kasama na ang anim na three pointers.

Maging si Jrue Holiday ay nagpakitang gilas sa kanyang 26 puntos.

Sa panig ng Bulls nanguna sa bigong kampanya si Zach LaVine na may 24 points at 13 assists at si DeMar DeRozan ay nagdagdag ng 23.

Posibleng tapusin na ng Milwaukee ang serye sa Game 5 sa darating na Huwebes.