-- Advertisements --
Kinumpirma ng isang opisyal mula sa Department of Justice (DOJ) na mayruong ng ginagawang hakbang ngayon para tugunan ang problema sa decongestion sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay DOJ Undersecretary Deo Marco, na bumuo ngayon ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BUCOR) ng task force para ilipat ang New Bilibid Prison (NBP) sa ibang lugar para maibsan ang problema sa high congestion rate sa national penitentiary.
Sinabi ni USec Marco na balak ng Bucor na ilipat ang NBP sa mega prison sa Nueva Ecija.
Inihayag din ng opisyal na nakapag submit na ang Bucor ng kanilang proposal at seryosong kinukunsidera ito ng DOJ at masusing pinag-aaralan ito sa ngayon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa Malacañang para sa nasabing proposal.