-- Advertisements --
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Disyembre 26 bilang isang special non-working holiday upang bigyan ang mga Pilipino ng mas maraming oras upang ipagdiwang ang panahon ng Pasko kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.
Ito ay sa bisa ng Proclamation 425 na nilagdaan ni Executive Secreatry Lucas Bersamin nitong Martes.
Batay sa proklamasyon, ang mas mahabang weekend ay magsusulong din ng domestic tourism.
Inatasan din ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kaukulang circular para ipatupad ang proklamasyon para sa pribadong sektor.