-- Advertisements --
Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng nagdaang bagyong Crising at umiiral na habagat sa bansa.
Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumapalo na ito sa 1.4 na milyong indibidwal.
Katumbas ito ng 401,000 pamilya na naitala mula sa 2,500 barangay sa 17 rehiyon sa bansa.
Mula sa bilang na ito, pumapalo naman sa 5,000 pamilya o nasa 21,000 indibidwal ang namamalagi ngayon sa mga itinalagang evacuation center.
Hindi naman bababa sa pito katao ang naiulat na nasaktan habang aabot naman sa walong indibidwal ang nawawala dahil sa masamang lagay ng panahon.