-- Advertisements --

Nauwi sa isang tensyon at pisikalan na komprontasyon ang naganap sa parliament ng Bulgaria habang ginaganap ang isang debate ukol sa planong pagpasok ng bansa sa eurozone.

Batay sa video na lumabas makikita na itinulak si Yavor Bozhankov ng partidong We Continue the Change sa gitna ng mga debate.

Ang nangyaring tensyon ay matapos aprubahan ng European Commission at ng European Central Bank ang pagsali ng Bulgaria sa euro bilang isang opisyal na pera ng bansa simula Enero 1, 2025.

Ayon sa European Commission, may sapat silang pamantayan para aprubahan ang pagsali ng bansa sa eurozone kabilang ang maayos na pamamahala ng inflation, budget deficit, at utang ng bansa.

Samantala, libo-libong raliyista naman ang nagtipon sa labas ng parliyamento sa Sofia, dala ang watawat ng Bulgaria at Russia, at sumisigaw ng “No to Euro colonialism.” Habang ang iba dala din ang placard na may nakasulat na “No to the euro” at “Yes to our lev.”

Ayon kay Prime Minister Rossen Jeliazkov, ito ay isang “remarkable day” para sa bansa, habang binigyang-diin ni European Commission President Ursula von der Leyen na dahil sa kaganapang ito ay lalakas pa ang ekonomiya ng Bulgaria sa euro.