Pumalo na sa 167 ang kabuuang bilang ng mga namatay kasunod nang pananalasa ng bagyong Agaton.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 151 daw ng mga napaulat na namatay ay mula sa Eastern Visayas, 11 sa Western Visayas, tatlo sa Davao Region at dalawa sa Central Visayas.
Sa data, sinabi ng NDRRMC na nasa 110 katao pa sa ngayon ang napaulat na nawawala at walo naman ang nagtamo ng injury.
Pero sa ngayon, nasa 12 pa lamang ang kumpirmadong namatay habang anim ang sugatan at anim ang nawawala.
Pumalo naman sa 1,939,514 katao o katumbas ng 562,548 families ang apektado ng bagyong Agaton sa 2,424 na mga barangay sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro.
Kabuuang 209,162 katao naman o katumbas ng 59,999 na pamilya ang apektado at naninirahan sa ngayon sa 959 evacuation centers habang 139,197 katao naman o 100,921 displaced families.
Nasa 10,364 na kabahayan din ang na-damage na kinabibilangan ng 9,700 na partially at 664 ang totally damaged sa Regions 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12 at Caraga.