-- Advertisements --
image 372

Pinangangambahang papalo pa sa tinatayng 18,000 hanggang 20,000 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Libya.

Ayon Derna Mayor Abdulmenam Al-Ghaithi, ang naturang pagtaya ay base sa bilang ng mga distrito na tuluyang nawasak nang mag-burst ang dalawang dam.

Sa kasalukuyan, mahigit 5,000 katao na ang kumpirmadong patay habang nasa 10,000 ang napaulat na nawawala.

Ang mga kalsada ay tinangay ng malakas na ragasa ng tubig habang narekober naman ang mga bangkay mula sa dagat.

Patuloy naman ang relief efforts ng dalawang magkaribal na gobyerno sa Libya para sa mga biktima ng deadly floods sa nasabing bansa.

Dumating na rin ang rescue teams na ipinadala ng ibang mga bansa kabilang ang Egypt, Tunisia, Italy, Spain at Turkey.