-- Advertisements --

Abanse na sa finals ng floor exercise ng Gymnastics World Cup si Karl Eldrew Yulo.

Nagtala si Yulo ng 13,666 para makasama sa top 8 ng qualification round sa torneo na ginaganap sa Turkiye.

Nangibabaw naman sa torneo si Rayderley Zapata ng Spain na sinundna ni Anze Hribar ng Slovenia.

Noong nakaraang linggo ay nakapagtapos ang batang Yulo sa pang-anim na puwesto sa World Cup series na ginanap sa Azerbaijan.

Ang 18-anyos na si Eldrew ay nakakabatang kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ay lalahok sa lahat ng anim na apparaturs sa FIG World Cup sa Turkiye.