-- Advertisements --

Sumampa na sa 288 katao ang nasawi habang patuloy na umaakyat ang bilang ng mga naiulat na sugatan sa kagimbal-gimbal na banggaan ng tatlong tren sa India.

Ito ang deadliest rail accident na nangyari sa nasabing bansa sa nakalipas na 20 taon.

Makikita ang tambak na mga debris sa crash site malapit sa Balasore, sa silangang estado ng Odisha, kung saan ang ilang mga karwahe ay inihagis nang malayo sa mga riles at ang iba ay tuluyang nabaligtad.

Napunit ang mga nabasag na compartment ng tren sa epekto ng malakas na impact dahil sa banggaan na na nag-iwan ng mga mantsa ng dugo.

Batay sa inisyal na report ng mga railway officials nagkaroon ng signalling error na naging dahilan sa banggaan.

“There were severed arms, legs, and even some partially severed heads, while the unluckier ones died in pain, too much pain,” ayon kay Hiranmay Rath isa sa mga nakakita sa madugong insidente.

Nitong Sabado ng gabi, tinapos na ang rescue effort.

“All the dead bodies and injured passengers have been removed from the accident site,” ayon sa isang opisyal mula Balasore emergency control room.

Kaagad namang nagtungo sa crash site si Prime Minister Narendra Modi.

Siniguro naman ng Prime Minister na mananagot ang mga nasa likod ng madugong insidente.

“It’s a sad moment. I pray that we get out of this sad moment as soon as possible,” Pahayag ni Prime Minister Modi.

Ang India ang may pinakamalaking rail networks sa buong mundo.

Kinumpirma naman ni Odisha state’s chief secretary Pradeep Jena na nasa 900 ang sugatan na kasalukuyang ginagamot na sa ibat ibang ospital.