Lumobo pa sa 13,000 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamarami sa mga kaso ay nagmula sa Italy, at sinusundan ng China at ng Iran.

Habang ang mga infected ng virus ay umabot na sa 304,675.

Sa naturang bilang, 187,500 (95%) ay mild condition at 9,382 (5%) naman ay serious o critical condition.

Samantala, nadagdagan pa ang mga naka-recover at ngayon ay aabot na sa 94,793 (88%).