-- Advertisements --
image 119

Umabot na sa 11,104 ang bilang ng mga namatay mula ng tumama ang malakas na Magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria noong araw ng Lunes, Pebrero 6.

Sa pagbisita sa mga lugar malapit sa sentro ng lindol, iniulat ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na sa Turkey, ang bilang ng mga namatay ay tumaas sa hindi bababa sa 8,574, kung saan halos 50,000 iba pa ang iniulat na nasugatan.

Sa Syria, hindi bababa sa 2,530 katao ang naiulat na namatay sa mga lugar na kontrolado ng gobyerno at mga rehiyong hawak ng mga rebelde.

Ayon naman sa aid agencies at emergency workers ang bilang ng mga namamatay ay posibleng madagdagan pa dahil marami pa ring mga tao ang na-trap sa ilalim ng mga gumuhong gusali at sa lamig ng panahon na nagiging balakid sa mga rescue effort.

-- Advertisement --