Tinanggap na ni dating senador Leila de Lima at human rights lawyer Chel Diokno ang alok na maging bahagi ng prosecution panel ng Kamara para sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Si De Lima ay nakatakdang umupo sa House of Representatives bilang first nominee ng Mamamayang Liberal (ML) Partylist.
Nakatakda ding umupo si Diokno sa Kamara bilang kinatawan ng Akbayan Partylist.
Sa pahayag na inilabas ng Akbayan Partylist, handa na silang maging bahagi ng prosecution panel para sa katarungan at pananagutan.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi nito na nakakuha sila ng pinakamalaking boto sa 2025 midterm polls para sa mga partido kayat kailangan nilang magtrabaho.
Si De Lima at Diokno ay parehong bahagi ng sinasabing genuine opposition.