-- Advertisements --

Hinimok nina Mamamayang Liberal at Akbayan party-lists Leila De Lima at Chel Diokno si Vice President Sara Duterte na igalang ang proseso ng impeachment trial laban sa kanya. Ito ay matapos sabihin ni Duterte na nais niya ng ”Bloodbath” sa nalalapit na paglilitis.

Nakatakda nga maging bahagi ng House prosecution panel, sina De Lima at Diokno sa ika-20th Congress.

Ayon kay Diokno, ang impeachment ay isang ”civilized legal process” na layunin umanong alamin ang katotohanan.

Sinabi naman ni De Lima na tila sinusubukan ni Duterte na makuha ang simpatya ng publiko sa pamamagitan ng kontrobersyal na mga pahayag.

Nanindigan ang dalawa na hindi personal ang kanilang posisyon laban sa Pangalawang Pangulo, kundi batay lamang sa mga isyung kailangang tuldukan.

Ipinahayag din nila ang kumpiyansa sa lakas ng ebidensya laban kay Duterte.

Matatandaan na inakusahan si VP Sara ng House of Representatives noong Pebrero 5 nang taong ito sa pitong Articles of Impeachment, kabilang ang diumano’y sabwatan sa planong pagpatay kay Pangulong Marcos Jr., malversation ng P612.5 million confidential funds, katiwalian sa DepEd, hindi maipaliwanag na yaman, at insurrective acts.