-- Advertisements --
Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) na kanilang minamadali ang pagpapalabas ng 2025 national budget.
Ang 2025 General Appropriations Act kasi ay nabalot ng kontrobersiya mula noong ito ay tinatalakay pa lamang sa kongreso ng nakaraang taon.
Ilan sa mga isyu dito ay ang desisyon na bigya ng zero subsidy sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ayon sa DBM na noong Marso 31, 2025 ay nakapaglabas na ang DBM ng 80.7 percent ng national budget sa mga ahensya ng gobyerno.
Ang nasabing halaga ay mas mababa na naipalabas ng DBM kumpara noong mga nagdaang taon.
Paliwanag naman ni DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran na ang budget ay dapat na ipinapalabas agad para ito ay magamit para sa taong bayan.