anthony davis lebron james Lakers
Lakers power duo LeBron and AD (photo @Lakers)

Muling namayagpag ang superstar tandem ng Los Angeles Lakers na sina Anthony Davis at LeBron James upang ilampaso ang Philadelphia Sixers, 120-107.

Umarangkada ng husto si Davis sa second quarter nang magpasok ng 18 points mula sa kabuuang 37 points.

Si James naman ay nagtapos sa 22 points, 14 assists at seven rebounds para umusad na ang Lakers sa 47-13 nang iposte ang kanilang ikasiyam na panalo mula sa 10 games.

Minalas pa ang 76ers (37-25) dahil wala ang kanilang mga injured starters na sina Joel Embiid, Ben Simmons at Josh Richardson.

Muli na namang pinabilib nina James at Davis ang mga Lakers fans sa kanilang three points shots at dunks.

-- Advertisement --

Sa panig ng Philadelphia si Glenn Robinson III ay napantayan niya ang naunang career high na 25 points at si Tobias Harris ay may 18 kung saan natikman ng team ang ikasiyam na sunod na pagkatalo sa road games.