Pahirapang nakalusot pa rin ang Los Angeles Lakers sa Game 2, 109-102, para itabla ang serye sa tig-isang panalo sa first round ng NBA playoffs sa Western Conference.
Kinailangang kumayod ng husto ni Anthony Davis upang makabawi sa kanyang mahinang performance noong Game 1 kung saan sa pagkakataong ito ay nagtala siya ng 34 points, 10 rebounds at seven assists.
Habang si James naman ay kumamada ng 23 points at nine assists.
Naging crucial ang panalo ng defending champion at nakatulong ang turnaround jumper ni James na sinundan din ng 3-pointer ni Davis pati na ang dalawang free throws sa huling bahagi ng fourth quarter.
Pagkakataon namang makuha pa ng Lakers ang bentahe sa Game 3 sa Biyernes sa harap ng mga fans nila sa Los Angeles.
Noong una sa akala ay madaling maiidispatsa ng Lakers ang Suns lalo na sa third quarter nang lumamang na ang LA pero unti-unting humabol ang Suns.
Muling nanguna sa diskarte ng Suns si Devin Booker na may kabuuang 31 puntos at naipasok pa lahat ang kanyang 17 mga free throws.
Sumuporta din sa bigong laro ng Suns si Deandre Ayton na tumipon ng 22 points, 10 rebounds and 11 mula sa field.