-- Advertisements --
Pinatawan ng parusang kamatayan si dating Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina matapos mapatunayang guilty sa crimes against humanity.
Nakita ng special tribunal na responsable siya matapos utusan ang madugong pagpapatigil sa mga protesta.
Base sa estimate ng United Nations na aabot sa 1,400 protesters ang nasawi matapos na pagbabarilin ng mga otoridad.
Tinawag naman ni Hasina na ‘biased at politically motivated” ang desisyon na ito ng korte.
Mula ng mapatalsik si Hasina ay nag-exile ito sa India.
Inaasahan na mapipilitan ang India na ma-extradite si Hasina matapos ilabas ang hatol.
















