-- Advertisements --
Patay ang nasa 45 na Indian pilgrims matapos na masunog ang sinasakyan nilang bus.
Nangyari ang insidente habang malapit na sila sa Medina sa Saudi Arabia.
Mayroong kabuuang 46 na pasahero ang sakay ng bus kung saan itinakbo sa intensive care unit ang isang nakaligtas na biktima.
Karamihan sa mga biktima ay nakatira sa Hyderabad sa southern Telangana state.
Ang mga pilgrims ay galing sa Mecca at patungo sa Medina ng mangyari ang aksidente.
Galing sila sa Saudi Arabia para sa Umrah pilgrimage na mas maikling bersyon ng Hajj ang pinakamalaking Islamic pilgrimage.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga nasawing biktima.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyarin insidente.
















