-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang dating pangulo ng Sri Lanka na si Ranil Wickremesinghe.

Ito ay may kinalaman sa hindi tamang paggamit ng pondo sa pamamagitan ng pagbiyahe niya sa ibang mga bansa.

Dumating ang dating pangulo sa magistrate court sa Colombo capital matapos na magbigay ng pahayag sa Criminal Investigation Department (CID).

Naging pangulo si Wickremesinghe mula 2022 hanggang 2024 kung saan pinalitan niya sa puwesto si Gotabaya Rajapaksa na bumaba sa puwesto matapos ang termino.