TUGUEGARAO CITY – Posibleng pagnanakaw ang isa sa tinitignang motibo sa pagpatay sa umano’y dating lider ng isang grupo ng magsasaka sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi P/Capt. Juliefer Narag, deputy chief of police ng PNP-Baggao, natagpuan ang duguang katawan ng biktimang si Gabby Agunoy, 34, na may tama ng baril at nakahandusay sa lansangang bahagi ng Zone 7, Barangay Mabini, Baggao.

Papunta sana ang biktima sa Mabini proper upang dalhin ang sahod ng mga manggagawa sa pinagtatrabahuang rubber tree plantation.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nawawala ang mga kagamitan ng biktima at ang perang pampasahod sa mga empleyado.

Napag-alamang .40-caliber na baril ang ginamit sa suspek kung saan narekober ng pulisya ang anim na piraso ng basyo ng bala sa lugar.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek.