TACLOBAN CITY – Patay ang dating konsehal matapos itong pagsasaksakin sa Barangay Malibago, Babatngon, Leyte

-- Advertisement --

Kinilala ang biktima na si Lucas Codilan Sr, 77 taong gulang, dating konsehal at residente ng naturang lugar.

Samantala kinilala naman ang suspek na si Sofronio Biron alyas Ponyong, 59 anyos, at residente ng District 1, Babatngon, Leyte

Ayon sa report ng Babatngon MPS, na naghahapunan ang biktima kasama ang kaniyang anak at hipag nang bigla ang mga itong makarinig ng katok sa kanilang pintuan.

Pagbukas ng biktima sa kanilang pintuan ay bigla itong nilusob at sinaksak ng suspek gamit ang kutsilyo.

Sa umpisa ay nakailag pa ang biktima at nakatakbo pero hinabol ito ng suspek hanggang sa mapahiga sa sahig.

Doon na ito inulan ng saksak ng suspek.

Samantala kaagad naman na tumakas ang suspek gamit ang kaniyang motor matapos na gawin ang naturang krimen.