Photo: Ramiro Bausa FB Page

LEGAZPI CITY – Patay ang retiradong pulis na tumatakbong konsehal sa Legazpi City matapos barilin ng hindi pa nakilalang salarin nitong Miyerkules ng hapon.

-- Advertisement --

Kinilala ni PNP Region V spokesperson Police Major Maria Luisa Calubaquib ang biktima na si retired Senior Supt. Ramiro Bausa.

Sa inisyal na impormasyon, nangangampanya umano si Bausa sa Barangay Cagbacong, bandang alas-2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente.

Nabatid na si Bausa ay dating police director ng Camarines Sur police.

Inaalam na ng mga otoridad kung may kaugnayan sa politika ang pagpatay o kaya sa dati nitong trabaho bilang opisyal ng PNP.