-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang mag-ama matapos ginilitan ng liig sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Capitol Hills, Brgy. Central, Mati City.

Kinilala ang mga biktima ng Mati City Police station nga sila Wenceslao Noval Sr., 74-anys, dating trabahante ng Department of Agrarian Reform at ang anak nito na si Wenceslao Noval Jr., 50-anyos.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad nalaman na natutulog na ang mag-ama nang mga oras na iyon nang pinasok sila ng mga di nakilalang mga lalaki at ginilitan ng kanilang mga liig.

Unang namatay ang ama, samantala ilang oras ang nakalipas hindi rin nakatiis sa kanyang mga natamong sugat ang kanyang anak at tuluyan na itong pumanaw.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakilalang mga salarin .

Inaalam naman ng mga otoridad kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang mga suspect.