DAGUPAN CITY – Patay ang isang dating drug surenderer matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa isang sabungan sa Barangay Balokok, Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Adaliga, 52, at residente ng Aguilar, Pangasinan.

Ayon sa ulat, ipaparada sana ng biktima ang kanyang motorsiklo sa loob ng sabungan nang bigla siyang barilin ng suspek na nagpanggap na nagbebenta ng face towel.

Apat na basyo ng bala ng caliber .45 na baril ang nakuha sa crime scene.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit, hindi na siya umabot ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen at malaman kung sino ang nasa likod nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here