Nakalaya ang dating chief of staff ni ex-senator Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes matapos ang halos siyam na taon na pagkakakulong.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) pinalaya si Reyes mula sa Taguig City Jail Female Dormitory.
Naaprubahan kasi ng First Division ng Supreme Court ang petition nito ng Habeas Corpus nitong Enero 17, 2023.
Sinabi ni Jail C/Insp. Jayrex Joseph Bustinera na mayroon pa ring mga kondisyon sa kaniyang paglaya kung saa dapat ay dumalo pa rin ito sa pagdinig sa criminal case na isinampa ng Sandiganbayan.
Kabilang din dito ang pagsumite niya tuwing tatlong buwan sa Clerk of Court ng Sandiganbayan kung nasaan siya at kailangan ng humingi ng travel authority sa Sandiganbayan kung ito ay magbabiyahe at ang panghuli ay dapat magsumite ito ng report kada tatlong buwan na nasusunod ang nasabing mga kondisyon.
Base sa 19 pahinang resolution mula sa First Division ng Supreme Court na labis ang pagkakakulong kay Reyes na nalalabag na ang kaniyang karapatan para maging malaya.
Taong 2021 ng maghain ang abogado ni Reyes na si Estilito Mendoza ng petition for habeas corpuz na nagsasaad ng karapatan nito ng mabilisang paglilitis.
Nahaharap kasi si Reyes at Enrile ng kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam kung saan tumanggap umano ang senador ng P172.8 milyon na kickbacks mula sa tinaguriang “pork barrel queen” na si Janet Lim Napoles.
Taong 2015 ng mapalaya si Enrile dahil na rin sa edad nito.