-- Advertisements --
Patay ang 42 katao matapos mahulog sa bangin ang bus na kanilang sinakyan sa South Africa.
Pawang mga Zimbabwean at Malawian nationals ang nasawi sa insidenteng nangyari sa bulubunduking bahagi ng Limpopo province ng South Africa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na nawalan umano ng kontrol ang drayber hanggang mahulog na sa malalim na bahagi ng bundok ang nasabing bus na galing sa Gqeberha City sa Eastern Cape.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si South African President Cyril Ramaphosa sa mga nasawi lalo na kabilang sa nasawi ang pitong bata.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na nangyari.