-- Advertisements --

Nakaalaerto na ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa gaganaing kilos protesta ngayong Biyernes.

Sa isanag pahayag, tiniyak ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ito ay para mapaigting ang seguridad sa mga kilusan na gganaping simula ngayong araw.

Giit ni Nartatez, pinaghanda na ang lahat ng mga police commanders sa Metro Manila at iba pang mga lugar na posibleng pagdausan ng mga protesta na ito.

Bahagi naman ng paghahanda ng Pambansang Pulisya ang pagtitiyak na walang magiging riot sa mga kilusan na ito at siniguro na ang mga protesta na ito ay hindi matutulad sa nangyaring riot sa Maynila noong Setyembre 21.

Samantala, bagamat walang nakikitang banta sa ngayon ang PNP para sa mga ikakasang kilusan, nanindigan si Nartatez na patuloy silang nakatutok sa mga kasalukuyang sitwasyon para sa agarang responde at hakbang na kanilang gagawin sakali man na may mga personalidad na nagbabalak na lumabag sa mga umiiral na batas.

Sa ngayon, nakalatag na ang mga plano ng Pambansang Pulisya para sa malawakang pagtitipon na ito at inatasan ang mga commanders na tuloy-tuloy lamang na magsagawa ng mga adjustments depende sa magiging sitwasyon.