sa botong 287 ang affirmative, 12 negative at dalawa ang nag abstain, aprubado na sa 3rd and final reading ang panukalang House Bill No. 4058 o ang 2026 General Appropriations Bill (GAB).
Batay sa records sa plenary ang dalawang nag abstain ay sina Rep. Harold James Duterte at Rep. Kiko Barzaga.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Rep. Mikaela Suansing na ang ang 2026 general appropriations bill ay responsive sa pangangailangan ng taumbayan na talagang ipagmamalaki ng ng 20th Congress.
Binigyang-diin ni Suansing na ang P255 billion na pondo mula sa flood control projects ay ni-reallocate sa 3 mahahalagang sektor na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ito ay sa education, health at agriculture.
Tiniyak naman ni Suansing na wala ng mga proyekto sa flood control, tulay at iba pa na huhugutin sa Unprogrammed appropriations.
Hindi kasama sa P6.973 Trillion ang pondo sa UA, walang pondo ang unprogrammed appropriations sa 2026 budget.
Giit ni Suansing na kaniyang sisiguraduhin ng kongreso hindi maabuso ang UA sa 2026 at sa susunod na mga taon.