-- Advertisements --

Nangako si Dallas Mavericks superstar Luka Docic ng magandang laro sa nalalapit na paghaharap nila ng Boston Celtics para sa 2024 NBA Finals.

Ayon kay Docic, ang Boston ang kasalukuyang beast team sa NBA at hawak ang best record sa pagtatapos ng regular season.

Hawak din aniya ng naturang team ang magandang offense at defense combination kayat tiyak umanong ilalabas din ng Dallas ang pinakamagandang laro para patumbahin ang Celtics.

Ang dalawang team ay nakatakdang magharap sa araw ng Biyernes, June 7, para sa Game 1 ng NBA Finals 2024.

Sa katatapos na 2024 playoffs, hawak ni Luka ang average na 28.8ppg, 9.6rpg, at 8.8 spg. Hawak din ng Dallas superstar ang 1.6 steals per game habang nagagawang kumamada ng puntos gamit ang 43.8 percentage.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapasok siya sa NBA Finals sa loob ng kanyang anim na season sa NBA.