-- Advertisements --

Ipinahayag ni Rep. Antonio Tinio ng ACT Partylist na satisfied siya sa naging takbo ng impeachment hearings sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Tinio sa panayam ng Bombo Radyo, naging maingat si Chairperson Gerville Luistro sa pamamalakad ng proseso at nabigyan ng sapat na pagkakataon ang kampo ng Pangalawang Pangulo upang magbigay ng kanilang panig.

Gayunman, aniya, sinayang ni Duterte ang pagkakataon na magpaliwanag dahil mas pinili nitong dumalo sa ibang event kaysa ipagtanggol ang sarili laban sa mga alegasyon ng katiwalian at iba pang paglabag sa batas.

Naniniwala si Tinio na makakakuha ng sapat na bilang ng boto ang impeachment case pagdating sa plenaryo ng Kamara.

Sa Mayo 4, 2026, inaasahang pagdedebatehan ito kasabay ng pagbabalik ng sesyon at inaasahang makakarating sa Senado na tatayong Impeachment Court.