Iprenesenta sa publiko ng National Bureau of Investigation ang lima nitong naarestong indibidwal nangikil umano kay former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.
Sa isinagawang pulong balitaan, positibong iniulat ni Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag ang matagumpay na pagkakaaresto sa mga ito.
Kabilang sa mga naaresto ay ang online media network personality na si Franco Mabanta, siyang ‘founder’ ng Peanut Gallery Media Network.
Batay sa impormasyon, ang Organized and Transnational Crime Division ng kawanihan ang nanguna sa ikinasang ‘entrapment operation’ nauwi sa pagkakahuli kay Mabanta.
Ayon kay Director Atty. Matibag, posibleng maharap sa kasong Robbery (Extortion) may kaugnayan sa paglabag ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sa imbestigasyon, pinagbantaan umano ni Mabanta si Leyte 1st District Rep. Romualdez sa pamamagitan ng ‘intermediary’ na ilalabas ang ‘video’ nagdidiin sa opisyal sa isyu ng korapsyon.
Hiling niya raw sa hindi pagsasapubliko ng ‘video’ bilang kapalit ay aabot sa 300-milyon piso na maaring bayaran ng apat na ulit ng tig-75 million pesos.
Dahil sa natanggap na reklamo, nagsagawa ng ‘enrtrapment operation’ ang kawanihan matapos maiayos ang ‘delivery’ sa unang tranche ng bayad at tuluyang naaresto si Mabanta at iba pa.
Gayunpaman, itinanggi ng naarestong media personality ang alegasyon o paratang at iginiit na sila’y mga inosente.
Sa kabila nito’y binigyang linaw naman ni NBI Director Matibag na ang pagkakaaresto sa kanila ay hindi nangangahulugan pag-atake sa ‘press freedom’.
Paliwanag niya’y nakatuon ang kawanihan sa krimen at hindi mga opinyon ang sentro ng imbestigasyon.
Dagdag pa ng direktor na patuloy nila itong iimbestigahan upang matukoy ang iba’t ibang mga anggulo hinggiil sa ilegal na gawain.















