-- Advertisements --
Sinibak ng Dallas Mavericks ang kanilang general manager na si Nico Harrison.
Nagsilbi sa Mavs si Harrison sa loob ng apat na taon.
Ang nasabing desisyon ay bunsod ng naganap na pag-trade ng Mavs kay Luka Doncic patungong Los Angeles Lakers.
Sinabi ni Mavericks owner Patrick Dumont na ang desisyon ay nagpapakita lamang ng kanilang patuloy na pagbuo ng championship-caliber organization para sa kanilang manlalaro at mga fans.
Magugunitang itinuturing na blockbuster trade ang naganap noong Pebrero kung saan kapalit ni Doncic si Anthony Davis at draft compensation.
















