Reading Time: 1 minute

Patok sa internet ang estilo ng dalaga mula sa New York na si Mary Beth Barone, 27, matapos gawan niya ng frequently asked question’s pamphlet ang mga kaanak na mahilig mag-usisa ukol sa kaniyang lovelife.

Ito’y makaraang matapat ang date niya sa mismong panahon ng family vacation sa Florida.

Maging ang comedy show nito ay kinansela para lamang matuloy ang pakikipagkita sa lalaking kapatid ng kaniyang kaibigan.

May titulo ang pamphlet na “I’m Going on a Date While We’re on Vacation.”

Sa kasalukuyan ay may libu-libong reactions na ito mula nang mai-post sa internet.