-- Advertisements --

Todo ngayon ang panawagan ng OCTA Research Group sa ating mga kababayang sasalubong sa bagong taon na kung maaari ay iwasan muna ang malakihang pagtitipon.

Kasunod na rin ito ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahapon na umabot sa 889.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, kung pagbabasehan ang bagong trend, posible umanong lolobo ang kaso ng COVID-19 sa 8,000 pagdating ng Enero 7.

Mas mataas na rin daw kasi sa 1 ang reproduction number na nasa 1.47.

Maging ang positivity rate na mula sa 5 noong isang araw ay naging 8 na rin ito dito sa Metro Manila.

Aniya ang bilis ng hawaan daw sa ngayon sa bansa ay comparable sa South Africa at United Kingdom (UK).

Posible raw na ang mga pagtitipon din ngayong Pasko ang nagpapadami sa bilang ng mga nahawaan ng covid cases sa bansa.