Tiniyak ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na pantay-pantay ang karagdagang honoraria ng mga poll workers na nagsilbi noong halalan partikular ang mga nag-overtime dahil sa mga naranasang technical glitches at iba pang isyu sa halalan noong May 9.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na approved in principle na ang kahilingang madagdagan ang honoraria ng mga guro at poll workers na nag-overtime nitong nagdaang halalan.
Binigyang diin ni Garcia na hindi lamang mga guro na nag overtime ang mabibigyan ng dagdag na honoraria kundi maging ang mga nagsilbing support staff at technicians.
At ang halaga ng dagdag o across the board na matatanggap ng lahat ng mga guro at poll workers na napalawig ang duty dahil nagkaroon ng aberya ang mga naitalaga sa kanilang vote counting machines (VCM) kaya naperwisyo ang botohan sa kanilang mga presinto ay pare-pareho daw.
Sa ngayon, sinabi ni Garcia tinatalakay pa nila kung magkano ang halagang idadagdag sa bayad ng mga guro at poll workers, saan saang mga lugar ang may nangyaring pagkaaberya o pagkasira ng mga vcm kaya napalawig ang oras ng trabaho ng electoral board at iba pang poll workers.
Una rito sinabi acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang karagdagang honoraria ay nakadepende pa rin sa availability ng pondo.
Sa ngayon ang karagdagang honorarium ng mga guro ay pending pa rin s,a Comelec commissioners en banc.
Ayon kay Laudiangco ang karagdagang honoraria ay hindi daw bababa sa P2,000.
Nasa P20 million daw na pondo ang nais na maaprubahan ng Comelec en banc na karagdagang honoraria para sa mga gurong nagsilbi sa halalan noong Mayo 9.