-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Bahagyang naibsan ang lungkot ng mga Earthquake survivors at mga Internally Displaced Persons (IDPs) na nananatili ngayon sa mga tent at evacuation centers matapos maging biktima ng sunod-sunod na lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mercy Forunda, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng North Cotabato, nakita nito ang sigla sa mga mamamayan matapos na nagsalo kasabay ng selebrasyon ng pasko at nabigyan umano ng pag-asa ang mga ito.

Maliban sa mga pagkain ay nakatanggap din umano ng mga regalo ang mga kabataang bakwit mula sa ibat-ibang grupo.

Kaugnay nito, nananatiling positibo ang mga bakwit sa kabila ng kanilang sitwasyon sa ngayon.

Napag-alaman na maliban sa lindol ang iba sa mga pamilyang bakwit ay mga biktima din ng pagsabog at food poisoning.