Suportado ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos na magkaroon at sumailalim sa recalibration sa kaniyang mga cabinet members na siyang inanunsyo ngayong araw.
Ayon sa kalihim, malinaw na naghahanap pa ng mas mabilis na aksyon at response ang Pangulo para sa ikabubuti ng kaniyang mga mamamayan.
Aniya, bilang isang opisyal na bahagi ng gabinete siya ay buong pusong sususporta sa mga planong ito ng Pangulo at mag-move forward sa kaniyang mga bagong kautusan.
Kinumpirma rin ng kalihim na naisumite na niya ang kaniyang resignation at hahayaan na lamang sa Pangulo ang desisyon kung siya ba ay karapat-dapat na magpatuloy sakaniyang tungkulin para sa mas bagong Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na hbang wala pang desisyon ang Pangulo ay pagsisilbihan niya pa ring mabuti ang kaniyang departamento sa abot ng kaniyang makakaya.